Here come the rain again!
Ang sarap tuloy pakinggan ng mga songs na may kinalaman sa
ulan! Syempre, ang unang papasok sa isip natin ay yung “Pumapatak na naman ang ulan” ng Apo Hiking Society, “Tag-ulan” ng After Image, “Tuwing Umuulan at kapiling ka” ni
Songbird Regine V. Alcasid. Not to mention the “Rainy days and Mondays” by Carpenters. Pero mayroon pang isang
kanta na ang sarap gawing background habang nakaharap ka sa bintana ng bahay at
pinanonood ang bawat patak ng ulan, habang humihigop ng mainit na tsokolate o
white coffee (great taste white 3-in1 is my new fave. ) At iyon ay ang “Lagi na
lang” ni Kiss Jane. O di ba? Pwedeng kapag na-carried away ka sa kanpta ay
magpa-sway-sway ka.. so pa-girly-cutie lang ang peg? J
Kapag umuulan, ang sarap din kumain no? Pero ako, mas preferred
kong magluto ng anything na masabaw. Like
ngayon, since na fried ang dinner, kailangan kong magluto ng sabaw. Buti na
lang. it pays to have breast chicken lagi sa ref. from there kasi, madali ka
nang makakaimbento ng soups. Sa pinagsama-samang
mga available sa ref, I come up with my very own chicken-corn-egg soup.
Here’s how:
All you need is small chicken breast and let it simmer till
the chicken becomes tender. Aside from
chicken, eto pa yung mga simpleng ingredients na idinagdag ko:
1 corn, kinayas ko na kaya naging kernel na lang
1 egg
1 chicken cube
Salt and pepper
About ¼ cup of spring onions –napaka-versatile nito. Kung pwede
lang lahat ng niluluto ko, meron nito e!
2 tbsp. of flour na tinunaw sa water. Since tantyahan lang
ako, make the slurry (flour+water) and this will serve as our pampalapot.
Kapag malambot na ang chicken, i-shred ito using your bare
hands or fork. Hayaan lang na kumulo
yung broth at kung konti nalang ang tubig, dagdagan. Ilagay ang chicken cube.
Ilagay na rin ang chicken meat at corn. Hayaan lang kumulo. Kapag
malambot na ang corn, timplahan ng salt at pepper. Lagyan na ng konting spring onions.
Ilagay ang egg. Haluin hanggang madurog yung egg. Para lumapot,
ilagay ang slurry. Hanguin at budburan ng spring onions on top! Jaraaaannnn!!! Kainan
na! :D
Wow Mommy May!mukhang masarap to:D pwedeng-pwede ngaung tag-ulan!magugustuhan ng mga chikitings!:D
TumugonBurahin