Huwebes, Oktubre 20, 2011

Ngayon ang Simula--subok lang.. :>

Mabuhay!


Napakatagal ko nang pinangrap na magkaroon ng blog. malamang, di na uso ito sa ngayon o kung mayroon man, sila yung mga mahihilig talaga magsulat at gustong magbahagi ng kanilang mga saloobin o yun bang sinasabing "anything under the sun."
Nasasabik na akong mga-blog. napakarami ko ring gustong i-share--una,  ang pagiging mommy ng 3-yr old girl, mga recipes na gustong-gusto ko lutuin, mga pictures o kahit ano lang na pumasok sa utak ko at naniniwala ako na makatutulong ang "pagbabalik-loob" ko sa pagsusulat para matanggal ang stress ko!


Sa ngayon, busy ako sa pag-iisip sa nalalapit naming Halloween Party sa family namin. lahat ay magko-costume at syempre may premyo.. pangalawang beses ko na bumisita sa Ukay-ukay. tyagaan lang pala ang paghahanap. kaya pala tinawag itong ukay, siguro kasi wala kang ibang gagawin kundi maghukay nang maghukay until you'll find the right and perfect outfit for you. will post some update and pics soon!


sana makayanan ko mag-blog lagi!


Welcome sa akin! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento