Lumutang na ang lahat ng gamit, smile pa rin! Pinoy 'yan! |
AUGUST 6, around 5.30 in the afternoon. Nagsimulang bumuhos
ang napakalakas na ulan. Sa katunayan, nahirapan akong umuwi dahil wala ng jeep
na bumabyahe papuntang Monumento dahil malalim na raw ang tubig-baha roon.
Maraming sasakyan ang tumirik kaya naman ang iba, hindi na sumuong pa na
bumalik doon. Its good thing that I am
with Freely, sakto rin at nag-grocery kami that afternoon, dahil matindi pala
ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.
Walang tigil ang lakas ng ulan magdamag. Parang naka-unli ang
ulan! Walang hinto! Sabi ng PAGASA, walang bagyo, dulot lamang ito ng Hanging
Habagat. Pero grabe, makakapasok pa kaya kako ako nito bukas? Ayoko nang
makipagsapalaran. Ayoko nang maulit pa
‘yung nangyari noong 2009, nang humagupit ang bagyong Ondoy. Hirap ang dinanas
ko noon.’ Yun ang isa sa mga pangyayaring ayoko nang i-rewind!
August 7. Sakto, wala
raw kaming pasok. I have this chance na maka-bonding ang mag-ama ko pero I
can’t keep still lalo na kapag napapanood namin sa news na grabe na ang mga pagbaha
sa iba’t ibang lugar. Sadly, kasama sa
mga apektado ang lolo ko na nakatira sa Northfields sa Longos, sila Mama na
nasa Bocaue. Mabuti na lamang at nasa mataas na lugar si Lola. Kundi, uuwi
talaga ako ng Malolos nang wala sa oras. Nagulat pa ako nang makita ko ang mga
picture na naka-post sa FB, ganito na ang itura ng Malolos Crossing!
kuha mula sa ibabaw ng Flyover sa Malolos, City. Salamat sa Balitang Malolos FB Page |
Emil de Lara's photo--salamat! |
Maging ang Barasoain Church ay ‘di rin nakaligtas.
Narito pa ang ibang lugar na apektado ng baha sa iba’t ibang
parte ng Maynila:
Rizal Park o Luneta sa Maynila na isa rin sa mga nalubog sa baha--English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks |
Nalubog ang Kamaynilaan nang dahil sa Habagat-English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks |
Loob ng UST Hospital-Tagpuan ng mga OFW (new version) photo. Thanks! |
NLEX-Malinta Exit-English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks! |
Nakakadurog ng puso ang ipinapakitang matatanda at batang
nanginginig sa ginaw. Mabuti na lamang at may mga mabubuting samaritano na
handa pa ring magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Nga pala, sa oras ng
kalamidad, narito ang mga emergency numbers na maaari nating tawagan:
Huwag kalilimutan ang mga importanteng numerong ito-salamat Google! |
Kailangan din na alam natin ang color coding na ipinatupad ng PAGASA... Read on!
Narito rin ang mga pwedeng i-donate sa mga nasalanta ng
baha:
Avon Philippines photo-Thanks! |
Walang hindi kakayanin ang Pinoy! Maparaan...Maabilidad... Walang baha-baha.. Walang kalamidad ang makakapigil sa atin!
Business as usual--tuloy ang hanap-buhay-Never Make Decisions when your mad photo-Thanks! |
Good boy! :) -Pinoy Laugh Page photo-thanks |
Astig din ang isang 'to! handang-handa sa pagsabak sa baha! kyut!
gaya na lamang 'tong si Manong, para-paraan lang talaga!-salamat sa Google! |
Pero maituturing nga bang
positibo ang ugaling-Pinoy na sa gitna ng kalamidad ay nakukuha pang kumaway at
ngumiti sa harap ng kamera? Oh well, Sadya lang talagang masayahin ang mga Pilipino. Lahat ng pagsubok, hinaharap ng
magaan sa kalooban at sa oras ng pangangailangan, nangingibabaw ang pagkakaisa,
pagdadamayan, at pagmamahalan sa isa’t
isa. Ang sarap maging Pilipino!
Alam kong hindi lang ito ang bagyo o kalamidad na kahaharapin natin. Pero naniniwala ako na marami na tayong natutuhan sa mga pangyayaring ito. Lagi sanang mamayani ang pagdadamayan at pagmamalasakit sa isa't isa... At wag kalilimutan ang isang paalala!!!
Old Joke, pero natatawa pa rin ako! Klasik!-Google photo.. Thanks! |
PEACE! :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento