been taking
pills for 11 months and I can say that it does its amazing job to regulate my
period. Wala akong naging problema sa monthly periods ko, ang ganda ng flow
nya. I tried the Logynon pills pero I got this side effects na pagtaba. I heard
na maganda rin daw ang Althea, since ito ang counterpart ng Dianne (and its
more cheaper pa. Dianne is worth 600+ while Althea is around 300+ only).
Maganda ang effect ng Althea sa akin lalo na sa skin ko. Hindi ako tumaba at
wala nang iba pang effects. So for me, its highly recommended if you ask me
which of these two ang maganda, based on my experience, of course!
![]() | |
Althea Pills, for me is the best! |
![]() |
Logynon Pills |
I only stopped taking this when my cousins challenged all of
us to have “Biggest Loser” in our family. Lahat ng malulusog, kasali. I stopped
thinking na ok na rin naman ang period ko saka baka may ma-contribute din itong
pagtaba dahil sa estrogen na content nito. It was on September 21, 2012 the
last period I had. And it was the same date na nag-stop na ko mag-pills.
Success naman na maituturing kasi with all my dieting and hard work,
nabawasan naman ako. From 220 I was down
to 205 lbs. not too bad for me dahil hindi naman ako kumarir ng sobra, nagbawas
lang ako ng food intake at paminsan-minsan, nakakatakbo, exercise, yoga, at
sumasali sa fun run.
![]() | |
Fun Run 9.30.12 |
Bandang December last year, parang nakaramdam na ako ng
unusual vomiting, and bleeding. I thought magkakaroon na ako kaya ganun lang
ang flow ng period ko. My officemate told me na hindi naman agad na bumabalik
sa normal ang flow ng period after withdrawing pills. Minsan 5 months bago
mag-regulate uli.
By the way, I took pregnancy test last November, hoping na
naka-tsamba na rin kami pero wala. Negative naman so nai-set aside and preggy
thing. My bleeding was on and off until January came. Dinugo ako ng sobra and
hindi sa pagiging exaggerated, in 10 minutes, napuno ko ang pads na pang
overnight! I was alarmed and started to consult with the doctor.
The first doc na nakausap ko, she asked my last period, etc
and she thought that I became pregnant and the baby died inside. Hindi raw
titigil ang pagdudugo ko til hindi nakukuha ‘yung baby inside thru D&C or
raspa. She even gave me a request for trans-V ultrasound to detect what’s
inside and the cause of my bleeding.
Habang papauwi, ang dami kong naiisip, mixed emotions. Takot,
sobrang lungkot, depressed, hopeless. All the negative thoughts na pwedeng
isipin, naisip ko na. imagine, nagka-baby ako nang hindi ko nalalaman? Sayang
naman! Pero bakit nung nag-test ako, negative naman? The doc remind me na “not
all pregnancy test are reliable.” Lesson learned, ‘yan girls!
Habang kinukwento ko kay Freely, parang ang lungkot-lungkot
namin pareho. Our hopes are so high pero kundi pa right time, sino ba naman
kami para kwestyunin ang kalooban ng Diyos?
The next day, we decided na magpa-ultrasound. Nang nasa loob
na kami, the doc said, “Di mo ba alam na buntis ka?” I am expecting the second
line na sasabihin n’ya is “kaya lang patay ‘yung baby,” as what the first doc
was told me. Pero iba ang sinabi n’ya. “Mabuti nalang the baby is ok.” Grabe! I
can’t believe that its happening! Kaya ang nasabi ko, “Di nga po, may baby
talaga?” Natatawa ‘yung doc sa akin kasi ‘di talaga ako makapaniwala. Sabi nya,
“yes, hindi naman nagsisinungaling ang ultrasound e. oh, ayan, lalagyan natin
ng pangalan na fetus para maniwala ka.”
The baby is 14 weeks then. Grabe, we’re blessed by another
angel, unexpectedly!
![]() |
my 14 week-old baby! |
![]() | |
Ate Yamee & Yohan's 1st ultrasound. Guilty much kasi pareho namin silang hindi naingatan from Day 1. But I am very much confident na hindi sila pinabayaan ni Mama Mary |
At this time, it’s my 5th month at kailangan pa
rin mag-ingat. Laging masakit ang balakang ko at mabigat ang tyan. I’m taking
duvadilan, (pampakapit) sangobion (para mapalitan din yung mga blood na nawala
sa akin saka most preggy needs iron) and nevramin (it’s a vitamin b complex to
lessen at least the pains I’m experiencing.) As per my OB, ganoon daw talaga
pag may age na at matagal nasundan ang previous pregnancy. Madaming
complications at madaming masakit. Well I’m entrusting everything to Mama Mary.
Alam kong hindi naman Niya kami pababayaan mag-mommy. I am praying na makaraos
kami till the perfect due came. Ipanalangin ko raw na makaraos ako at least til
7 months, para safe na safe na ang baby. By the help of Mama Mary, alam kong
walang magiging problema at makakaraos kaming mag-mommy hanggang sa huli.
Will be giving you an update if it’s a boy or a girl soon!
Thanks for dropping by! Until then….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento