Martes, Marso 12, 2013

Second Timer Mom!



been taking pills for 11 months and I can say that it does its amazing job to regulate my period. Wala akong naging problema sa monthly periods ko, ang ganda ng flow nya. I tried the Logynon pills pero I got this side effects na pagtaba. I heard na maganda rin daw ang Althea, since ito ang counterpart ng Dianne (and its more cheaper pa. Dianne is worth 600+ while Althea is around 300+ only). Maganda ang effect ng Althea sa akin lalo na sa skin ko. Hindi ako tumaba at wala nang iba pang effects. So for me, its highly recommended if you ask me which of these two ang maganda, based on my experience, of course! 
Althea Pills, for me is the best!

Logynon Pills


I only stopped taking this when my cousins challenged all of us to have “Biggest Loser” in our family. Lahat ng malulusog, kasali. I stopped thinking na ok na rin naman ang period ko saka baka may ma-contribute din itong pagtaba dahil sa estrogen na content nito. It was on September 21, 2012 the last period I had. And it was the same date na nag-stop na ko mag-pills. Success naman na maituturing kasi with all my dieting and hard work, nabawasan  naman ako. From 220 I was down to 205 lbs. not too bad for me dahil hindi naman ako kumarir ng sobra, nagbawas lang ako ng food intake at paminsan-minsan, nakakatakbo, exercise, yoga, at sumasali sa fun run.
Fun Run 9.30.12

Bandang December last year, parang nakaramdam na ako ng unusual vomiting, and bleeding. I thought magkakaroon na ako kaya ganun lang ang flow ng period ko. My officemate told me na hindi naman agad na bumabalik sa normal ang flow ng period after withdrawing pills. Minsan 5 months bago mag-regulate uli.
By the way, I took pregnancy test last November, hoping na naka-tsamba na rin kami pero wala. Negative naman so nai-set aside and preggy thing. My bleeding was on and off until January came. Dinugo ako ng sobra and hindi sa pagiging exaggerated, in 10 minutes, napuno ko ang pads na pang overnight! I was alarmed and started to consult with the doctor.
The first doc na nakausap ko, she asked my last period, etc and she thought that I became pregnant and the baby died inside. Hindi raw titigil ang pagdudugo ko til hindi nakukuha ‘yung baby inside thru D&C or raspa. She even gave me a request for trans-V ultrasound to detect what’s inside and the cause of my bleeding.
Habang papauwi, ang dami kong naiisip, mixed emotions. Takot, sobrang lungkot, depressed, hopeless. All the negative thoughts na pwedeng isipin, naisip ko na. imagine, nagka-baby ako nang hindi ko nalalaman? Sayang naman! Pero bakit nung nag-test ako, negative naman? The doc remind me na “not all pregnancy test are reliable.” Lesson learned, ‘yan girls!
Habang kinukwento ko kay Freely, parang ang lungkot-lungkot namin pareho. Our hopes are so high pero kundi pa right time, sino ba naman kami para kwestyunin ang kalooban ng Diyos?
The next day, we decided na magpa-ultrasound. Nang nasa loob na kami, the doc said, “Di mo ba alam na buntis ka?” I am expecting the second line na sasabihin n’ya is “kaya lang patay ‘yung baby,” as what the first doc was told me. Pero iba ang sinabi n’ya. “Mabuti nalang the baby is ok.” Grabe! I can’t believe that its happening! Kaya ang nasabi ko, “Di nga po, may baby talaga?” Natatawa ‘yung doc sa akin kasi ‘di talaga ako makapaniwala. Sabi nya, “yes, hindi naman nagsisinungaling ang ultrasound e. oh, ayan, lalagyan natin ng pangalan na fetus para maniwala ka.”
The baby is 14 weeks then. Grabe, we’re blessed by another angel, unexpectedly!

my 14 week-old baby!
Ate Yamee & Yohan's 1st ultrasound. Guilty much kasi pareho namin silang hindi naingatan from Day 1. But I am very much confident na hindi sila pinabayaan ni Mama Mary


 For the second time, hindi na naman namin naalagaan from the very first day. Nakaka-guilty! 3 months na pala akong may baby, dina-diet ko pa.Tinatagtag ko pa. but our worries faded when the doc assured to us na the baby is ok. Kinakailangan lang ng ibayong pag-iingat at bed rest. So kung good girl daw ako, susunod hindi raw ako papasok at susunod ako sa lahat ng advice nya. It’s a matter of career and the baby. It’s up to me kung ano raw ang pipiliin ko. In short, nag-bed rest ako for 2 weeks and follow doc’s instructions.
At this time, it’s my 5th month at kailangan pa rin mag-ingat. Laging masakit ang balakang ko at mabigat ang tyan. I’m taking duvadilan, (pampakapit) sangobion (para mapalitan din yung mga blood na nawala sa akin saka most preggy needs iron) and nevramin (it’s a vitamin b complex to lessen at least the pains I’m experiencing.) As per my OB, ganoon daw talaga pag may age na at matagal nasundan ang previous pregnancy. Madaming complications at madaming masakit. Well I’m entrusting everything to Mama Mary. Alam kong hindi naman Niya kami pababayaan mag-mommy. I am praying na makaraos kami till the perfect due came. Ipanalangin ko raw na makaraos ako at least til 7 months, para safe na safe na ang baby. By the help of Mama Mary, alam kong walang magiging problema at makakaraos kaming mag-mommy hanggang sa huli.
Will be giving you an update if it’s a boy or a girl soon!
Thanks for dropping by! Until then….

Martes, Pebrero 19, 2013

Yamee @ 5!


Time flies! I missed writing! I missed blogging! Ang daming okasyon na nakalipas, sayang nawalan ako ng oras or should I say drive na rin to continue my passion. Anyways, I’m back and it’s the second month of the year, hope it’s not too late for me to greet you a happy new year! Besides the Chinese New Year has just begun! LOL!
‘Pag darating ang February, one of those occasion that I am looking forward is celebrating my baby’s birthday, aside from Freely’s. (since they have the same birth month, Yamee is 2.14 while daddy Freely is 2.28). Parang napakabilis naman lumaki ng anak ko! Five years ago when the first time I saw her and held her in my arms. She’s a miracle baby, in fact. As per my OB, mahihirapan akong mabuntis dahil sa polycystic ang both ovaries ko. For those girls na wala pang idea kung isa sila sa may PCOS problem or ano nga ba ang symptoms nito, here’s a short article about it.
I was blessed by Mama Mary at dahil na rin sa Marian devotee ako, hindi ako nawalan ng pag-asa na in His time, ipagkakaloob nya ang baby na hinihingi ko. Without the help of science or fertility drug, Yamee came unexpectedly! At eto na  nga, 5 years na akong mommy ni Freelyam Pyrrth “Yamee” M. Abrigo! Indeed, prayers do miracles!


Sa mga mommy na gaya kong may preschooler, I’m sure na ngarag na ngarag kayo kapag may okasyon ang inyong chikiting sa school and kailangan n’yong mag-prepare ng something, especially for their birthday. To give u a simple idea, here’s Yamee’s birthday celebration in her school.
We just had spaghetti, since yan ang kid’s fave, then mayroong chicken lollipop, corn dog, and juice. My mom-in-law prepared colorful puto, pamparami rin! The kids loved it! For the parents, nanay cooked pansit and puto for them, para naman kasama silang kumakain ng mga anak nila at hindi leftovers ang para sa kanila.

sphag, corn dog, chicken lollipop, puto, and juice

Ang isa sa highlights ng birthday celebration ni Yamee ay ‘yung chocolate fountain, and even the parents loved the treat! We just had apple and melon for fruits, stick-o, bread sticks, and mallows which the kiddos go crazy for!
choco fountain



We also had piñata full of candies and some coins, na kahit ang mga matatanda or should I say ‘yung mga magulang, nakikiagaw!

For yamee’s giveaways, Freely made a simple box with locket as design (out of cartolina) and we just filled it with candies pa rin.
giveaways 


For this year, dahil kulang na rin sa oras, wala kaming masyadong decors sa room unlike last year. Kung may anak din kayo na heart’s day ang birthday, let me share to you kung ano ang preps namin last year.


yamee's classroom

pinata 

kiddie meal-spag, shanghai, juice, ice cream 


cakes and giveaways
giveaways

















































So there! Hope you liked it and I am willing to share those recipes if you want! Thanks for dropping by! We truly had a blast! Until then!

Mommy May, Yamee, & Daddy Freely Abrigo

Linggo, Setyembre 23, 2012

Moving on for the same old brand new me


Tears are the words the heart can't say.

September. Brand new month, for a brand new me. Enough for all the false hopes and heartaches. Before this ber-month ends, I guess it is also time for healing and let go all of the grudges I kept inside me.
Longing, anticipating, and praying for miracles are waste of energy and time. In this life, every second counts.  Being happy is a choice. And now, I’m choosing to be happy.
I may be happier now, but so much has been done. It hurts to see you getting away with it.  It will always hurt. I can forgive but not forget.
Enough heartache! It’s time to be happy. This is what I deserve. God knows and sees.
Moving on quotes, they helped me, they motivate me, hope this will work for you too. Smile. 

“Never cry for the person who hurts you... Just smile & say "thanks for giving me a chance to find someone better than you."

“Life is too short to stress yourself with people who don't even deserve to be an issue in your life.”

“There's really no shortcut to forgetting someone. You just have to endure missing them everyday until you don't anymore.”

“Loving him was hard to forget, losing him was hard to accept, but with all the hurt I've felt, letting go is the most painful yet.”

“The end of love is not the end of life. It should be the beginning of understanding that leaves for a reason, but leaves with a lesson.”

“Sometimes, we just have to let go of someone who matters to us not because we have to, but because it's the right thing to do.”

“Being hurt doesn't give you the right to hurt anyone.”

“The day I see you and feel nothing is the day I can finally let you go.”

“Your EX is just live proof that you can do better, A perfect EXample of what you shouldn't want, & motivation to get what you deserve.”

"Kapag nagawa mong tanggapin na wala siya, magagawa mo ring kalimutan siya."

“Dapat talaga lagi kang handa. Hindi nga siguro nawawala ang problema, nagpapahinga lang sila.”

"Huwag kang mapagod magmahal. Dahil ang pagmamahal kapag pinaglalaban, mas lalong nagiging makahulugan."

“GOD = siya ang natatanging lalake na hinding-hindi ka sasaktan.”

"Dadating din yung araw na mapapagod ka ng mahalin siya! Kasi wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ka."

“Moving on doesn't mean you've gotten over a past love, it just means you've accepted what happened and continue living.”

“The past cannot be changed, forgotten, edited or erased. It can only be accepted.”

“I am stronger because I know my weaknesses. I am wise because I know I've been foolish. I laugh because I've known sadness.”

“You started as my dream. You became my reality. You are now only a memory.”

“People change for two reasons. They've learned a lot, or they have been hurt too many times.”

“Never go back to an old love. Because it's like reading a book over and over again when you already know how it ends.”

"Wag kang magsayang ng panahon sa taong hindi pinapahalagahan ang nararamdaman mo."

"Wag kang pumikit habang nasasaktan ka, imulat mo mata mo para matauhan ka."

“I've finally found that life goes on without you... and the world still turns when you're not around.”

“Real loss only occurs when you lose something that you love more than yourself.”

“True goodbyes are the ones never said or explained.”

“Heavy hearts, like heavy clouds in the sky, are best relieved by the letting of a little water.”

“Forgiveness is such a simple word. But it is so hard to do when you've been hurt. Although that is so hard, but im sure you can do that.”

“I'm movin' on… At last I can see life has been patiently waiting for me..And I know there's no guarantees, but I'm not alone.”

"Kung nagawa ka niyang iwan ng walang dahilan, iparamdam mo na hindi sya kawalan."
 
“At some point you have to realize that some people can stay in your heart, but not in your life.”

“Everything will be alright in the end, if its not alright, its not the end.”

“You know what sucks being a strong person? It is when people know that you are strong and they think that it's okay to hurt you.”

“Time doesn’t heal anything... It just teaches us how to live with the pain.”

“I made a choice to finally let go, because I can’t stand the pain, It’s time for my last tear to fall and smile again.”

"Pwede mo namang kalimutan ang nakaraan, di mo nga lang alam kung makakalimutan mo ang iyong naramdaman."

“Never get too attached to anyone because attachments leads to expectations and expectations leads to disappointments.”

Linggo, Agosto 12, 2012

Baha ka lang, Pilipino kami!

Lumutang na ang lahat ng gamit, smile pa rin! Pinoy 'yan!

 AUGUST 6, around 5.30 in the afternoon. Nagsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan. Sa katunayan, nahirapan akong umuwi dahil wala ng jeep na bumabyahe papuntang Monumento dahil malalim na raw ang tubig-baha roon. Maraming sasakyan ang tumirik kaya naman ang iba, hindi na sumuong pa na bumalik doon.  Its good thing that I am with Freely, sakto rin at nag-grocery kami that afternoon, dahil matindi pala ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.
Walang tigil ang lakas ng ulan magdamag. Parang naka-unli ang ulan! Walang hinto! Sabi ng PAGASA, walang bagyo, dulot lamang ito ng Hanging Habagat. Pero grabe, makakapasok pa kaya kako ako nito bukas? Ayoko nang makipagsapalaran.  Ayoko nang maulit pa ‘yung nangyari noong 2009, nang humagupit ang bagyong Ondoy. Hirap ang dinanas ko noon.’ Yun ang isa sa mga pangyayaring ayoko nang i-rewind!
August 7.  Sakto, wala raw kaming pasok. I have this chance na maka-bonding ang mag-ama ko pero I can’t keep still lalo na kapag napapanood namin sa news na grabe na ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar.  Sadly, kasama sa mga apektado ang lolo ko na nakatira sa Northfields sa Longos, sila Mama na nasa Bocaue. Mabuti na lamang at nasa mataas na lugar si Lola. Kundi, uuwi talaga ako ng Malolos nang wala sa oras. Nagulat pa ako nang makita ko ang mga picture na naka-post sa FB, ganito na ang itura ng Malolos Crossing! 
kuha mula sa ibabaw ng Flyover sa Malolos, City. Salamat sa Balitang Malolos FB Page



Emil de Lara's photo--salamat!
Maging ang Barasoain Church ay ‘di rin nakaligtas.

Narito pa ang ibang lugar na apektado ng baha sa iba’t ibang parte ng Maynila:
Rizal Park o Luneta sa Maynila na isa rin sa mga nalubog sa baha--English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks


Nalubog ang Kamaynilaan nang dahil sa Habagat-English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks

Loob ng UST Hospital-Tagpuan ng mga OFW (new version) photo. Thanks!

NLEX-Malinta Exit-English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks!


Nakakadurog ng puso ang ipinapakitang matatanda at batang nanginginig sa ginaw. Mabuti na lamang at may mga mabubuting samaritano na handa pa ring magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Nga pala, sa oras ng kalamidad, narito ang mga emergency numbers na maaari nating tawagan: 


Huwag kalilimutan ang mga importanteng numerong ito-salamat Google!
 Kailangan din na alam natin ang color coding na ipinatupad ng PAGASA... Read on!

Narito rin ang mga pwedeng i-donate sa mga nasalanta ng baha:
Avon Philippines photo-Thanks!

Walang hindi kakayanin ang Pinoy! Maparaan...Maabilidad... Walang baha-baha.. Walang kalamidad ang makakapigil sa atin!
Business as usual--tuloy ang hanap-buhay-Never Make Decisions when your mad photo-Thanks!

Good boy! :) -Pinoy Laugh Page photo-thanks
 Astig din ang isang 'to! handang-handa sa pagsabak sa baha! kyut!





gaya  na lamang 'tong si Manong, para-paraan lang talaga!-salamat sa Google!




















Pero maituturing nga bang positibo ang ugaling-Pinoy na sa gitna ng kalamidad ay nakukuha pang kumaway at ngumiti sa harap ng kamera? Oh well, Sadya lang talagang masayahin ang  mga Pilipino. Lahat ng pagsubok, hinaharap ng magaan sa kalooban at sa oras ng pangangailangan, nangingibabaw ang pagkakaisa, pagdadamayan, at  pagmamahalan sa isa’t isa. Ang sarap maging Pilipino!

 Alam kong hindi lang ito ang bagyo o kalamidad na kahaharapin natin. Pero naniniwala ako na marami na tayong natutuhan sa mga pangyayaring ito. Lagi sanang mamayani ang pagdadamayan at pagmamalasakit sa isa't isa... At wag kalilimutan ang isang paalala!!!


Old Joke, pero natatawa pa rin ako! Klasik!-Google photo.. Thanks!
PEACE! :D