Linggo, Setyembre 23, 2012

Moving on for the same old brand new me


Tears are the words the heart can't say.

September. Brand new month, for a brand new me. Enough for all the false hopes and heartaches. Before this ber-month ends, I guess it is also time for healing and let go all of the grudges I kept inside me.
Longing, anticipating, and praying for miracles are waste of energy and time. In this life, every second counts.  Being happy is a choice. And now, I’m choosing to be happy.
I may be happier now, but so much has been done. It hurts to see you getting away with it.  It will always hurt. I can forgive but not forget.
Enough heartache! It’s time to be happy. This is what I deserve. God knows and sees.
Moving on quotes, they helped me, they motivate me, hope this will work for you too. Smile. 

“Never cry for the person who hurts you... Just smile & say "thanks for giving me a chance to find someone better than you."

“Life is too short to stress yourself with people who don't even deserve to be an issue in your life.”

“There's really no shortcut to forgetting someone. You just have to endure missing them everyday until you don't anymore.”

“Loving him was hard to forget, losing him was hard to accept, but with all the hurt I've felt, letting go is the most painful yet.”

“The end of love is not the end of life. It should be the beginning of understanding that leaves for a reason, but leaves with a lesson.”

“Sometimes, we just have to let go of someone who matters to us not because we have to, but because it's the right thing to do.”

“Being hurt doesn't give you the right to hurt anyone.”

“The day I see you and feel nothing is the day I can finally let you go.”

“Your EX is just live proof that you can do better, A perfect EXample of what you shouldn't want, & motivation to get what you deserve.”

"Kapag nagawa mong tanggapin na wala siya, magagawa mo ring kalimutan siya."

“Dapat talaga lagi kang handa. Hindi nga siguro nawawala ang problema, nagpapahinga lang sila.”

"Huwag kang mapagod magmahal. Dahil ang pagmamahal kapag pinaglalaban, mas lalong nagiging makahulugan."

“GOD = siya ang natatanging lalake na hinding-hindi ka sasaktan.”

"Dadating din yung araw na mapapagod ka ng mahalin siya! Kasi wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ka."

“Moving on doesn't mean you've gotten over a past love, it just means you've accepted what happened and continue living.”

“The past cannot be changed, forgotten, edited or erased. It can only be accepted.”

“I am stronger because I know my weaknesses. I am wise because I know I've been foolish. I laugh because I've known sadness.”

“You started as my dream. You became my reality. You are now only a memory.”

“People change for two reasons. They've learned a lot, or they have been hurt too many times.”

“Never go back to an old love. Because it's like reading a book over and over again when you already know how it ends.”

"Wag kang magsayang ng panahon sa taong hindi pinapahalagahan ang nararamdaman mo."

"Wag kang pumikit habang nasasaktan ka, imulat mo mata mo para matauhan ka."

“I've finally found that life goes on without you... and the world still turns when you're not around.”

“Real loss only occurs when you lose something that you love more than yourself.”

“True goodbyes are the ones never said or explained.”

“Heavy hearts, like heavy clouds in the sky, are best relieved by the letting of a little water.”

“Forgiveness is such a simple word. But it is so hard to do when you've been hurt. Although that is so hard, but im sure you can do that.”

“I'm movin' on… At last I can see life has been patiently waiting for me..And I know there's no guarantees, but I'm not alone.”

"Kung nagawa ka niyang iwan ng walang dahilan, iparamdam mo na hindi sya kawalan."
 
“At some point you have to realize that some people can stay in your heart, but not in your life.”

“Everything will be alright in the end, if its not alright, its not the end.”

“You know what sucks being a strong person? It is when people know that you are strong and they think that it's okay to hurt you.”

“Time doesn’t heal anything... It just teaches us how to live with the pain.”

“I made a choice to finally let go, because I can’t stand the pain, It’s time for my last tear to fall and smile again.”

"Pwede mo namang kalimutan ang nakaraan, di mo nga lang alam kung makakalimutan mo ang iyong naramdaman."

“Never get too attached to anyone because attachments leads to expectations and expectations leads to disappointments.”

Linggo, Agosto 12, 2012

Baha ka lang, Pilipino kami!

Lumutang na ang lahat ng gamit, smile pa rin! Pinoy 'yan!

 AUGUST 6, around 5.30 in the afternoon. Nagsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan. Sa katunayan, nahirapan akong umuwi dahil wala ng jeep na bumabyahe papuntang Monumento dahil malalim na raw ang tubig-baha roon. Maraming sasakyan ang tumirik kaya naman ang iba, hindi na sumuong pa na bumalik doon.  Its good thing that I am with Freely, sakto rin at nag-grocery kami that afternoon, dahil matindi pala ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.
Walang tigil ang lakas ng ulan magdamag. Parang naka-unli ang ulan! Walang hinto! Sabi ng PAGASA, walang bagyo, dulot lamang ito ng Hanging Habagat. Pero grabe, makakapasok pa kaya kako ako nito bukas? Ayoko nang makipagsapalaran.  Ayoko nang maulit pa ‘yung nangyari noong 2009, nang humagupit ang bagyong Ondoy. Hirap ang dinanas ko noon.’ Yun ang isa sa mga pangyayaring ayoko nang i-rewind!
August 7.  Sakto, wala raw kaming pasok. I have this chance na maka-bonding ang mag-ama ko pero I can’t keep still lalo na kapag napapanood namin sa news na grabe na ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar.  Sadly, kasama sa mga apektado ang lolo ko na nakatira sa Northfields sa Longos, sila Mama na nasa Bocaue. Mabuti na lamang at nasa mataas na lugar si Lola. Kundi, uuwi talaga ako ng Malolos nang wala sa oras. Nagulat pa ako nang makita ko ang mga picture na naka-post sa FB, ganito na ang itura ng Malolos Crossing! 
kuha mula sa ibabaw ng Flyover sa Malolos, City. Salamat sa Balitang Malolos FB Page



Emil de Lara's photo--salamat!
Maging ang Barasoain Church ay ‘di rin nakaligtas.

Narito pa ang ibang lugar na apektado ng baha sa iba’t ibang parte ng Maynila:
Rizal Park o Luneta sa Maynila na isa rin sa mga nalubog sa baha--English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks


Nalubog ang Kamaynilaan nang dahil sa Habagat-English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks

Loob ng UST Hospital-Tagpuan ng mga OFW (new version) photo. Thanks!

NLEX-Malinta Exit-English Tagalog Inspirational Quotes' photo--Thanks!


Nakakadurog ng puso ang ipinapakitang matatanda at batang nanginginig sa ginaw. Mabuti na lamang at may mga mabubuting samaritano na handa pa ring magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Nga pala, sa oras ng kalamidad, narito ang mga emergency numbers na maaari nating tawagan: 


Huwag kalilimutan ang mga importanteng numerong ito-salamat Google!
 Kailangan din na alam natin ang color coding na ipinatupad ng PAGASA... Read on!

Narito rin ang mga pwedeng i-donate sa mga nasalanta ng baha:
Avon Philippines photo-Thanks!

Walang hindi kakayanin ang Pinoy! Maparaan...Maabilidad... Walang baha-baha.. Walang kalamidad ang makakapigil sa atin!
Business as usual--tuloy ang hanap-buhay-Never Make Decisions when your mad photo-Thanks!

Good boy! :) -Pinoy Laugh Page photo-thanks
 Astig din ang isang 'to! handang-handa sa pagsabak sa baha! kyut!





gaya  na lamang 'tong si Manong, para-paraan lang talaga!-salamat sa Google!




















Pero maituturing nga bang positibo ang ugaling-Pinoy na sa gitna ng kalamidad ay nakukuha pang kumaway at ngumiti sa harap ng kamera? Oh well, Sadya lang talagang masayahin ang  mga Pilipino. Lahat ng pagsubok, hinaharap ng magaan sa kalooban at sa oras ng pangangailangan, nangingibabaw ang pagkakaisa, pagdadamayan, at  pagmamahalan sa isa’t isa. Ang sarap maging Pilipino!

 Alam kong hindi lang ito ang bagyo o kalamidad na kahaharapin natin. Pero naniniwala ako na marami na tayong natutuhan sa mga pangyayaring ito. Lagi sanang mamayani ang pagdadamayan at pagmamalasakit sa isa't isa... At wag kalilimutan ang isang paalala!!!


Old Joke, pero natatawa pa rin ako! Klasik!-Google photo.. Thanks!
PEACE! :D

Sabado, Hulyo 28, 2012

Nutrition Month



EVERY month of July, we're celebrating nutrition month especially in school. Its good spring board for our kids because hindi lang sa ating mga bahay natin ipinamumulat sa mga bagets na kumain ng gulay at prutas, kundi maging sa eskwelahan. Salamat sa mga teacher na ito dahil jina-justify nila ang mga kwento natin sa mga bagets sa kahalagahan ng pagkain ng gulay. At syempre pa, 'pag nutrition month, may parade rin ng mga creative costumes na kinarir ng mga magulang. wink!
Its our 2nd year in joining nutrition month and I could say na lumalabas ang creativity namin mag-asawa, lalo na siya, sa pagpre-prepare ng costume. Last year, Yamee was in corn costume. My mother in-law sew the green hood that serves as the corn’s skin, while Freely used styro balls for the corn per se, sprayed a yellow paint,  cut it into halves,  and paste it in Yamee’s  yellow sweatshirt.  Viola!

Yamee in her corn costume

For this year’s nutri month, she picked tomato for her costume Due to our hectic sked,  we decided  to buy instead of squeezing our creative juices.  We bought the costume in Divisoria for P180. We thought of putting leaves on it so we bought 10 pieces of leaves for only P10.

Mommy May, Yamee and Daddy Freely in her tomato costume
July 27, 8:30 a.m. when the parade started. Nakakabilib yung mga parents na talagang nag-exert ng effort na mapaganda ang costume ng mga anak nila. I can say  that this year’s nutrition month is far better than last year. Marami ang nag-participate na magaganda ang costume at ika nga, tinalbugan ang idea namin last year. We are amazed with this little girl in her chicken costume. She’s wearing a handmade hat na mukha naming ulo ng manok, yellow shirt, socks na skin-toned or orange with stripes and ang panalo para sa akin ay yung footwear. Hindi ko nakita kung naka-shoes ba sya or slippers kasi balot na balot ng feathers.
chicken costume, cutest!
after ng parade, nagkaroon ng games and awarding for best in costume. Yamee participated in games at ok naman yun para matutuhan nyang makipag-kapwa. Her group won in bottle and straw relay because of her.

Maraming mommies ang katulong kong mag-cheer. Nakakatuwa kasi kilala nila si Yamee. Then the awarding came. We’re not expecting at all kasi pangkaraniwan lang naman ang costume ni Yamee. Aba! Akalain mo, napili pa siya?! Nadala ng porma? Siguro. Oh well, ang impiortante, kahit wala masyadong effort, napasama pa rin siya sa awardees.


This was taken last year's junk food party here in the office.
 model-modelan ng chi-chirya! taken last July 17, 2012.
 (L-R) my officemates: Lorna, Joana, me, Sir Jowi and Len. si Yeng ang aming photographer. (inset)




 ang junk food na aming pinagsalu-saluhan sa loob ng ilang araw... kahit makunat na, keri lang! :)










Oh by the way, even here at the office, we celebrated the nutrition month, even last year. Mababait kami kaya instead of eating the right foods, we held a junk food party na numero unong sinasabi ng teacher na wag kakainin ng mga bata! We’re adults but young at heart at pasaway, that’s why!
Till next nutrition month! I wonder kung anon naman ang pagkakaabalahanan naming next year… hhhmmm…. 

Martes, Hulyo 10, 2012

foodies but goodies!


Here come the rain again!
Ang sarap tuloy pakinggan ng mga songs na may kinalaman sa ulan! Syempre, ang unang papasok sa isip natin ay yung “Pumapatak na naman ang ulan” ng Apo Hiking Society, “Tag-ulan” ng After Image, “Tuwing Umuulan at kapiling ka” ni Songbird Regine V. Alcasid. Not to mention the “Rainy days and Mondays” by Carpenters. Pero mayroon pang isang kanta na ang sarap gawing background habang nakaharap ka sa bintana ng bahay at pinanonood ang bawat patak ng ulan, habang humihigop ng mainit na tsokolate o white coffee (great taste white 3-in1 is my new fave. ) At iyon ay ang “Lagi na lang” ni Kiss Jane. O di ba? Pwedeng kapag na-carried away ka sa kanpta ay magpa-sway-sway ka.. so pa-girly-cutie lang ang peg? J
Kapag umuulan, ang sarap din kumain no? Pero ako, mas preferred kong magluto ng anything na masabaw.  Like ngayon, since na fried ang dinner, kailangan kong magluto ng sabaw. Buti na lang. it pays to have breast chicken lagi sa ref. from there kasi, madali ka nang makakaimbento ng soups.  Sa pinagsama-samang mga available sa ref, I come up with my very own chicken-corn-egg soup.

Here’s how:
All you need is small chicken breast and let it simmer till the chicken becomes tender.  Aside from chicken, eto pa yung mga simpleng ingredients na idinagdag ko:
1 corn, kinayas ko na  kaya naging kernel na lang
1 egg
1 chicken cube
Salt and pepper
About ¼ cup of spring onions –napaka-versatile nito. Kung pwede lang lahat ng niluluto ko, meron nito e!
2 tbsp. of flour na tinunaw sa water. Since tantyahan lang ako, make the slurry (flour+water) and this will serve as our pampalapot.
Kapag malambot na ang chicken, i-shred ito using your bare hands or fork.  Hayaan lang na kumulo yung broth at kung konti nalang ang tubig, dagdagan. Ilagay ang chicken cube.
Ilagay na rin ang chicken meat at corn. Hayaan lang kumulo. Kapag malambot na ang corn, timplahan ng salt at pepper.  Lagyan na ng konting spring onions.
Ilagay ang egg. Haluin hanggang madurog yung egg. Para lumapot, ilagay ang slurry. Hanguin at budburan ng spring onions on top! Jaraaaannnn!!! Kainan na! :D